Pag-angkas sa motorsiklo ng mag-asawa, puwede na!
Simula ngayong araw na ito pinapayagan na ang angkas sa mag-asawa sa motorsiklo base sa pinaiiral na health protocols ng IATF.
Boy Santos
Pag-angkas sa motorsiklo ng mag-asawa, puwede na!
Mer Layson, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Na-tio­nal Task Force for CO-VID-19 ang pag-angkas o back-riding sa mga motorsiklo simula ngayong araw na ito.

Ayon kay Department of Interior and Local Go­vern­ment (DILG) Secre­tary Eduardo Año na simu­la ngayon, Hulyo 10, ay pa­­payagan na nila ang pag-aangkas sa motorsiklo ng mag-asawa.

Ayon kay Año, inaprubahan na ito ng National Task Force for COVID-19 (coronavirus disease 2019) ngunit kinakailangan pa ring nakasuot ng facial mask at crash ang rider at asawang kaangkas niya.

Nilinaw naman ni Año na ang mag-asawa na kanilang tinutukoy ay yaong nakatira sa iisang bahay, kasal man o common-law husband o wife o boyfriend at girlfriend pa lamang.

Anang kalihim, upang mapatunayang mag-asawa, kailangang magpakita ang mga ito ng identification card (IDs) na may pareho silang apelyido, at kung hindi naman pareho ang apelyido, dapat ay makapagpakita ang mga ito ng IDs na may pareho sila ng address.

“So, there are so many ways para mapatunayan na they are living in the same house,” aniya pa.

Sinabi pa ng kalihim na ang prototype model na gagamitin para sa motorcycle back-riding ay yaong isinumite ni Bohol Governor Arthur Yap, kung saan mayroong harang o barrier sa pagitan ng rider at ng back ride nito.

Lalagyan din ng handle sa gilid ng barrier, na dapat ay lampas sa ulo ng pasahero upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Hinihikayat din naman niya ang iba pang mayroong sariling disenyo na magsumite ng kanilang panukala para makasama sa mga pagpipilian ng Technical Working Group (TWG).

Matatandaang una nang nagpatupad ng “no back-ride policy” sa mga motorsiklo ang pamahalaan simula nang magpatupad ng community quarantine measures sa bansa noong Marso para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with