“HINDI porke squatter, kailangan ding maging dugyot. Baguhin natin ang maling nakagawian. Inuunawa kayo ng pamahalaan pero ‘wag sana nyo hintayin na isang araw maubos na lang ang pasensiya ng gobyerno”,ani Manila Mayor Isko Moreno.
Edd Gumban
Isko sa mga informal settler
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

‘Wag magpaka-dugyot’

MANILA, Philippines  — Umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa mga informal settler na baguhin ang nakagawiang pagtatapon ng basura sa mga estero at ilog at patunayan na ‘hindi porke squatter ay dugyot na’.

“HINDI porke squatter, kailangan ding maging dugyot. Baguhin natin ang maling nakagawian. Inuunawa kayo ng pamahalaan pero ‘wag sana nyo hintayin na isang araw maubos na lang ang pasensiya ng gobyerno”,ani Moreno.

Aniya, habang tuluy-tuloy lang ang ‘estero rangers’ sa clean-up operations sa mga daluyan ng tubig, dapat na ang mga residente ay makipagtulungan din sa pagpapanatili na walang basurang mapupunta sa mga ilog at estero.

“Tuloy-tuloy kami maglinis, tuluy-tuloy din kayo magtapon. Hindi ba nangangawit ang kili-kili ninyo sa katatapon ng basura? Huwag naman. Baka mamaya mapilitan kaming gibain namin kayo diyan. Di ho ba mas masaklap yun? Halimbawa napagod na lang ang gobyerno na unawain kayo, unang-una iligal po kayo diyan,” aniya pa.

Nilinaw niya na alam niya kung paano maging squatter at ano ang hirap ng walang sariling bahay subalit pwede namang sa pagiging walang bahay lang maturingang squatter ang isang tao at hindi sa pag-uugali o pagiging dugyot.

Paliwanag niya, hangga’t kaya niyang yakapin ay gusto niyang maibigay sa mga Manilenyo na nangangailangan ang pagkakaroon ng sariling pamamahay kaya niya naisip niya na magtayo in-city vertical housing na katulad ng condominium sa Tondo at Binondo.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with