Lider ng NPA na wanted sa murder, tiklo

MANILA, Philippines — Timbog ang isang liaison officer ng Southwest Front - CPP NPA Terro-rist (SWF-CNTs) na may kasong murder sa operasyon ng mga tauhan ng Southern Police District-District Intelligence Division (SPD-DID) at Sipa-lay Police, sa Parañaque City, inulat kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Roger Lumanog, alyas Jijie Lumanog, 36, tubong Camindangan, Sipalay, Negros Occidental at naninirahan sa Manggahas Dos, Barangay Merville, Parañaque City dakong alas-12:25 ng hapon kamakalawa.

Isinilbi kay Lumanog ang warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Kabankalan City, Negros Occidental Judge Rodney Z Magbanua, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 61.
Sa ulat, natunton ang ki­naroroonan ni Lumanog mula sa confidential informant kaya nakipag-ugnayan ang DID ng SPD sa mga tauhan ng Sipalay Police Station, sa  Negros Occidental.
Sa isinagawang close monitoring, surveillance at malalimang imbestigasyon, natukoy na si Lumanog ay nagsilbing liaison officer ng Southwest Front - CPP NPA Terrorist (SWF-CNTs), kung saan siya  tagadala ng suplay ng essential medical at mga pagkain sa mga rebelde sa lugar, sa pakikipagsabwatan isang Rex Vargas.
Pansamantalang nakapiit sa Taguig City Police Station si Lumanog bago siya tuluyang ibiyahe pabalik sa Kabankalan, Negros Occidental para sa return of the warrant of arrest sa korte doon.
 

 

Show comments