Drug suspect, patay sa shootout

Narekober ng SOCO team at CIDU investigators sa crime scene ang isang caliber.38 revolver na may apat na bala at isang fired cartridge case, isang fired cartridge ng caliber 9mm pistol at may anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Patay ang isang drug suspect matapos na manlaban habang inaaresto ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pinyahan, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, B/Gen Ronnie Montejo ang napatay na suspek na si Jerson Gimarangan, alyas Kosa, ng Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan at kabilang sa drug data base ng Directorate for Intelligence. 

Dakong alas-7:20 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Kamu­ning Police Station (PS10) laban sa suspek sa Matapat St., Brgy. Pinyahan, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal nitong aktibidad.

Gayunman, nakahalata ang suspek, na pulis ang katransaksiyon kaya’t bumunot ng baril at nagpaputok sa direksiyon ng mga awtoridad, na nagresulta sa maikling shootout.

Natamaan ng mga awtoridad ang suspek at kaagad ding isinugod sa East Avenue Medical Center upang malunasan ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Narekober ng SOCO team at CIDU investigators sa crime scene ang isang caliber.38 revolver na may apat na bala at isang fired cartridge case, isang fired cartridge ng caliber 9mm pistol at may anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Nakuha rin nila mula sa suspek ang anim na sachets ng shabu, buy-bust money, drug paraphernalia, ilang empty sachets, isang balisong at ID card ng suspek.

Show comments