Nagkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard sa Baclaran, Parañaque City nang maglabasan ang mga motorista sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Kuha ni Edd Gumban
Angkas bawal pa rin sa GCQ, MECQ
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalala kahapon sa publiko ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipinagbabawal pa rin ang mga motor taxis mula sa mga motorcycle ride-sharing apps katulad ng Angkas sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Alam po namin na marami pong umaasa sa Angkas at iba pang motor taxis para makarating sa kanilang trabaho at destinasyon ngunit dahil sa banta ng COVID-19, hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno ang ganitong mode of transportation dahil sa violation ng physical distancing,” ayon kay Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Sa DILG Memorandum Circular No. 2020-083, inatasan ang lahat ng local government units (LGUs) na istriktong ipagbawal ang motor taxis operation bilang regulatory measures sa public transportation sa ilalim ng MECQ at GCQ.

Sinabi ni Malaya na ipinagbabawal pa rin ang pagsakay sa likod ng motorsiklo kahit sa mag-asawa bilang bahagi ng physical distancing measures dahil magkakaroon ng close contact sa pagitan ng dalawang tao na maaaring maging sanhi ng transmission ng COVID-19.

Nabatid na ilan sa mga maaaring masakyan na iminungkahi ng DOTr sa post-pandemic period ay ang bisikleta at moder­nized PUVs dahil hindi masyadong magkakadikit ang mga tao dito at maiiwasan ang pagkalat ng virus sa mga pasahero.

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with