^

Metro

‘Calibrated lockdown’ sa 2 kalye sa Baranggay San Dionisio sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Calibrated lockdown� sa 2 kalye sa Baranggay San Dionisio sa Parañaque
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, three-day lockdown simula sa Hunyo 4, alas- 6:00 ng umaga hanggang Hunyo 6 alas-12:00 ng hatinggabi ang kahabaan ng Tramo I at Tramo II .
STAR/ FIle

MANILA, Philippines — Muling isasailalim sa calibrated lockdown ang dalawang kalye na ‘heavily populated’ sa Brgy. San Dionisio, Para­ñaque sanhi ng pag-akyat pa ng bilang ng tinamaan ng COVID-19 na may kabuuang 101.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez,  three-day lockdown simula sa Hunyo 4, alas- 6:00 ng umaga hanggang Hunyo 6 alas-12:00 ng hatinggabi ang kahabaan ng Tramo I at  Tramo II .

Nagbabala rin siya sa mga pasaway o 2nd time lockdown offenders na sila ay ilalagay sa holding areas at pagmumultahin ng ?2,000 at kung 3rd calibrated lockdown offense naman ay makukulong na sa loob ng 12-oras at multang P3,000. at makakasuhan pa.

Habang nasa lockdown, magsasagawa ng testing at monitoring sa lugar at total disinfection.

Nilinaw ng alkalde na kahit nasa general community quarantine (GCQ) na ang National Capital Region, maaari na lamang ilimita ang lockdowns sa mga barangay na may mataas na bilang ng COVID-19.

“As per our health office, COVID-19 cases in Tramo I and II have tremendously increased the past weeks because of the family and community transmissions circumstances, prompting us to order the three-day lockdown,” ani Olivarez.

Noong nakalipas na dalawang linggo, ang Brgy. San Dionisio ay naisailalim na sa calibrated lockdown .

Sa pinakahuling census, ang Brgy San Dionisio ay may 63,506 populasyon at isa sa pinakamalaking barangay sa Parañaque.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with