Bureau of Immigration nagpatupad ng total revamp sa NAIA
MANILA, Philippines — Ipinatupad na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang total revamp sa mga BI personnel sa NAIA terminals 1, 2 at 3.
Ginawa ni Morente ang utos kasunod ng pagkakalantad sa “Pastillas Scheme” sa paliparan na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng BI.
Ayon kay Morente, effective immediately ang total revamp sa mga Port Operations Division (POD) Deputies, Terminal Heads hanggang sa counter personnel sa NAIA.
Aniya, kailangan gawin ito upang maagapan ang isyu at maiwasan ang korapsyon.
Tanging ang pinuno ng POD ang hindi sakop ng revamp dahil ang Department of Justice (DOJ) ang magdedesisyon para rito.
Sinabi ni Morente na ang revamp ay tugon din ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nagpatupad ng bagong protocols ang BI sa paliparan kabilang ang pagdaragdag ng CCTV cameras sa lahat ng primary inspectors.
- Latest