^

Metro

2 Cameroon national nandura sa Pinoy trader, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang Cameroon national makaraang duraan ang isang negos­yanteng Pinoy na nani­ningil sa kanilang utang sa loob ng isang hotel sa naturang lungsod kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Febian Mota-ngongoh, 36, at Kelvin Acha 28, kapwa nanunuluyan sa Dusit Thani Hotel sa Ayala Center, Makati City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa loob ng nasabing hotel sa may Ayala Center, Brgy. San Lorenzo, ng naturang lungsod.

Nakipagkita ang biktimang si Frandel Esmeralda, 43, negosyante ng Brgy.  San Antonio Ortigas, Pasig City sa dalawang dayuhan para singilin ang malaki nilang utang na hindi na binanggit kung magkano.

Sa gitna ng usapan, nagsisigaw at pinagmumura na umano ng mga suspek si Esmeralda hanggang sa duraan siya sa mukha ng mga ito.

Sa tulong ng kaniyang mga kasamahan na sina Jester Sumido at Jhon Rey Sumido, ipinatupad nila ang citizen arrest laban sa dalawang dayuhan.

Pasado alas-8 na ng gabi nang isuko sa Makati City Police Station Investigation and Detective Management Section ang  mga dayuhan.

Nahaharap sila ngayon sa mga kasong Unjust vexation at oral defamation sa Makati City Prose­cutor’s Office habang nakipag-ugnayan na sa kanilang embahada ang pulisya.

 

vuukle comment

CAMEROON NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with