^

Metro

Chinese national nagwala, dumura, nagmura sa isang fastfood restaurant

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese national nagwala, dumura, nagmura sa isang fastfood restaurant

Nag-viral pa sa social media

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na Chinese national na nag-viral sa social media dahil sa pagdura sa isang kilalang fastfood restaurant at paninigaw sa isang guwardiya ang inaresto ng mga awtoridad sa Tondo, Manila kamakalawa.

Sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno matapos mapanood ang video, inaksyunan ng grupo ni P/Major Rosalino Ibay Jr. ng Special Mayor Reaction Team (SMART) kasama ang MPD-District Intelligence Division (DID) at MPD-Station 2 ang kaso hanggang matunton ang suspek  sa Orchard Garden Condominium, sa Masangkay, Tondo dakong alas 7:50 ng gabi.

Kinilala ang suspek na si  Jinxiong Cai alyas “Willy Choi, negosyante at residente ng 45th floor ng Orchard Garden na nahaharap sa reklamong Grave Scandal, Unjust Vexation, at Maliscious Mischief sa ilalim ng Revised Penal Code.

 Tumayong complai­nant si Alejandro Natividad, 63, security guard ng isang kilalang fastfood chain sa sangay nito sa Masangkay.

Lumilitaw na si Choi ay inireklamo na residente ng Tambak 1 Tanza  2, Navotas City dahil sa pagdura at pani­nigaw sa loob  ng fastfood chain na McDonalds sa Masangkay St. Tondo.

Nabatid na bago  ang insidente, nakita sa CCTV na tinulak ng suspek ang dalawang motorcycle rider na nakaparada sa harap ng fastfood chain na nagdulot ng pinsala sa mga sasakyan. 

Ayon kay Ibay, matapos na nag-viral sa Facebook ang video ni Choi at makita sa CCTV ang pananakit nito, agad  niyang inatasan  si P/Major Ci­cero Pura na arestuhin ito.

Agad niyang irerekomenda sa Bureau of Immigration ang  pagpapadeport sa naturang Chinese national.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with