^

Metro

Pintor, natulog nang sobrang busog, hindi na nagising

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pintor ang hindi na nagising makaraang matulog nang sobrang busog sa isang condominium tower sa Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong ala-5:30 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Jomar Garina, 34,  sa loob ng warehouse ng Podium B, Axis Residence Tower 2, Robinsons Cybergate Complex, Pioneer Street, Barangay Barangka Ilaya.

Nabatid na ang biktima ay nagtatrabaho bilang pintor at stay-in sa naturang establisim­yento.

Mismong ang bayaw at kasamahan sa trabaho ng biktima na si Jayson Matotilla, ang nakadiskubre sa bangkay.

Ginigising umano ni Matotilla ang biktima upang gumayak na sa pagtatrabaho ngunit hindi na ito magising pa.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima dakong 9:00 ng gabi ng Pebrero 21 habang sarap na sarap na kumakain ng isaw at sisig bago tuluyang natulog. 

Hinihinalang dahil sa kabusugan kaya binangungot ang biktima pero nagsasagawa pa ng imbestisyon ang pulisya para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

PATAY

PINTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with