^

Metro

Chinese trader sugatan sa pamamaril ng rider

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang sugatan matapos barilin sa mukha ng hindi pa makilalang nakaalitan niyang motorcycle rider sa gitna ng pagmamaneho sa kahabaan ng P/ Burgos St., Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimnang si Wenyan Shao, lalaki, 43-anyos, negosyante at residente ng no. 680 Elcano St., Binondo, Maynila, dahil sa tinamong tama ng bala sa pisngi.

Sinasabi ng isang saksi na, habang malapit siya sa planetarium, nakita niya ang pagtatalo ng suspek at biktimang nagmamaneho ng Toyo­ta Camry na itim mula sa Katigbak Road at pagsapit sa tapat ng National Museum, sa Finance Road, dahil sa red traffic light ay pansamantalang huminto ang dalawa at narinig niya ang  putok ng baril.

 Sa patuloy na pagmamaneho ng biktima ay bumangga siya sa poste sa center island sa tapat ng KKK monument sa P. Burgos St,  habang tuluy-tuloy na sa pagtakas ang rider/gunman sa direksiyon ng Jones Bridge.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with