Ito ayon sa Maynilad ay hangga’t hindi pa naitataas ng MWSS regulators ang kasalukuyang 40 cubic meter per second na allowable sa kanila sa pagsusuplay ng tubig.
AFP/Noel Celis, File photo
5-18 oras na rotational water interruption sa Metro Manila, patuloy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy na ipatutupad ng Maynilad ang 5 hanggang 18 oras na rotational water interruption sa Western part ng Metro Manila.

Ito ayon sa Maynilad ay hangga’t hindi pa naitataas ng MWSS regulators ang kasalukuyang 40 cubic meter per second na allowable sa kanila sa pagsusuplay ng tubig.

Ayon sa Maynilad, hindi naman gaanong nakaapekto sa pagsusuplay ng tubig ang madalas na paghuhugas ng kamay ng mamamayan dahil sa Covid-19.

Minimal lamang umano ang nadagdag na gamit sa tubig kayat wala itong gaanong epekto sa kanilang pagsusuplay ng tubig sa mga customers.

Gayunman, sinabi ni Maynilad Corporate Communications Head Jennifer Rufo na kaila-ngang pagkasyahin ang kaunting suplay para sa maraming kostumer sa Kalakhang Maynila at karatig lalawigan.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr. na hindi naman maitaas ang water allocation para sa normal 46 m³/s dahil nananatiling mababa sa normal ang water level ng Angat dam, ang pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Manila Water Corporate Communications Head Jeric Sevilla na binawasan nila ang water pressure sa ilang lugar ng Eastern part ng Metro Manila at maaa-ring putulin ang suplay sa ilang lugar kapag naibaba pa ng regulators ang water allocation na isusuplay sa mga Kostumer. 

MAYNILAD WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with