^

Metro

3 tiklo sa P1.8 milyong shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 tiklo sa P1.8 milyong shabu
Ang mga nasakoteng suspek ay sina Marvin Perales, 25-anyos, ng F. Pascual St, Brgy. Daanghari; Marvin Turla, 30, ng Katuga St, Brgy. San Jose; at Cresencio Arroyo, alyas “Ai-ai”, 33, nakatira naman sa PNR Compound, Brgy. 73, ng naturang lungsod.
The STAR/Joven Cagande

MANILA, Philippines — Kalaboso ang tatlong sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos masakote ng mga otoridad at makum­piskahan ng higit sa P1.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Marvin Perales, 25-anyos, ng F. Pascual St, Brgy. Daanghari; Marvin Turla, 30, ng Katuga St, Brgy. San Jose; at Cresencio Arroyo, alyas “Ai-ai”, 33, nakatira naman sa PNR Compound, Brgy. 73, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-8:35 ng umaga nang isagawa ng Navotas City Police Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa may Los Martires St., Brgy. San Jose, ng naturang lungsod. Nagawang makontak ng isang asset ng SDEU ang mga suspek at makapagkasa ng pagbili ng iligal na droga.

Matapos na matagumpay na makabili ng droga, ibinigay na ng buyer ang senyas kaya sumulpot na ang mga pulis at pinalibutan ang mga suspek. Nakum­piska sa tatlo ang anim na medium size plastic sachet at tatlong knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihina­lang shabu na may kabuuang timbang na 270 gramo at halagang P1,836,000.

Dinala na sa Northern Police District-Crime Laboratory Office ang nakumpiskang mga ebidensya para isailalim sa pagsusuri habang nakakulong na ang tatlong suspek sa Navotas City Police Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with