Bilang ng riders sa motor taxi service providers, itinaas ng DOTr

Magugunitang una nang ipinatupad ng TWG ang 39,000 total cap, kung saan ang bawat isang service providers ay nilimitahan sa 10,000 bikers sa Metro Manila at 3,000 bikers bawat isa sa Cebu.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines —Pinayagan ng Department of Transportation (DOTr) ang bawat isang motorcycle taxi service providers na makapag-ope­rate ng hanggang 15,000 units sa Metro Manila buhat sa dating bilang na P10,000-biker cap.

Kasabay ito sa patuloy na pag-aaral ng technical working group (TWG) sa legalidad at viability ng motorcycle taxis.

Ang desisyon ay ginawa matapos na mag-usap ang magkabilang grupo ang DOTr at ang tatlong ridehailing firms (Angkas, JoyRide at Move It) kama­kalawa kung saan nagkasundo sa concessions at guidelines sa pilot run.

Magugunitang una nang ipinatupad ng TWG ang 39,000 total cap, kung saan ang bawat isang service providers ay nilimitahan sa 10,000 bikers sa Metro Manila at 3,000 bikers bawat isa sa Cebu.

Napagkasunduan din na bawiin ang lahat ng mga isinampang kaso sa TWG at wala nang anumang kaso ang dapat na isampa laban sa grupo hanggang matapos ang pilot study.

Ang mga kaso, ayon kay TWG chairman Antopnio Gardiola ay nagpahirap sa kanila sa pagkuha ng sufficient data para ma-assess ang viability ng motorcycle taxis.

Samantala, binanggit naman ni Assistant Transpor­tation Secretary Alberto Guansing, na posibleng isama pa ng TWG ang iba pang lugar na puwedeng mag-operate ang motorcycle taxis bukod sa Metro Manila at Cebu.

Napagpasyahan din ng DOTr na isama rin ang Cagayan de Oro sa testing area para sa pilot run.

Show comments