Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P150,000, buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.
Edd Gumban
Buntis, 8 pa tiklo sa droga
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang siyam katao kabilang ang isang buntis na nasa kabuwanan na, na itinuturong kilabot na mga ‘tulak’ makaraang masakote ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Maricel Pajarillo, 33, full-term pregnant o kabuwanan na, residente ng Brgy. Pasong Tamo; Ronald Questin, 38; Mary Joy Gutierrez, 26; Nurhaina Jahara alyas “Yna”, 24;  Mark Mendoza, 35; Jayner Adamero, 26; Jeppy Santelices, 33; Jemilissa Tumanguil alyas “Jane”, 20; at Imelda Vergara, 23.

Ang mga suspek ay nadakip dakong alas-3:05 ng madaling araw sa Crame St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P150,000, buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

 Nakakulong ngayon ang mga suspek sa QCPD integrated jail at nahaharap sa kasong RA 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Quezon City Police District (QCPD) Dir.P/Brig.Gen. Ronnie  Montejo ang kanyang mga tauhan sa kanilang tuluy-tuloy at masigasig na operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga sinasabing tulak ng droga sa Quezon City.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with