Motorsiklo salpok sa truck: 2 bebot dedo
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang dalawang babae makaraang sumalpok sa trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo  sa panulukan ng Jose Abad Santos at Quiricada Sts., sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

 Ang mga biktima ay kinilalang sina Ana Virginia dela Cruz, 27, at Ilora Joyce Suñer, 25.

Hawak naman ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng truck na si Roilan Ruado, 41, ng  Bagumbayan, Pililla, Rizal  na posibleng maharap sa two counts of reckless imprudence resulting in homicide.

 Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) , dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang  insidente sa northbound lane ng Jose Abad Santos, panulukan ng Quiricada St., Tondo.

Minamaneho ni Dela Cruz ang Yamaha Mio at angkas niya si Suñer habang binabaybay ang westward lane ng Quiricada St. nang dumiretso pa umano sa intersection  at sumalpok sa dumaraang Isuzu Giga na 14-wheeler trailer truck na minamaneho ni Ruado.

Tumama ang unahang bahagi ng motorsiklo sa kanang hulihang bahagi ng truck at sa lakas ng impact ay kapwa tumilapon ang mga biktima, pumailalim at nabagok dahilan upang magresulta sa agaran nilang kamatayan.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with