Libu-libong mga papaalis na pasahero ang du­magsa sa Ninoy Aquino International Airport matapos ianunsyo ang partial operation nito makaraang itigil ang operasyon dahil sa pagputok ng Taal Volcano.
Kuha ni Rudy Santos
80,000 pasahero sa NAIA, apektado sa pagputok ng bulkan
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 80,000 arriving at departing passengers ang naapektuhan sa pagsara na ginawa ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals dahil sa epekto ng mga ashfall ng sumabog ang Taal Volcano na sanhi  para matakpan  ang mga runways at rampa ng paliparan noong Linggo ng hapon.

Ayon kina Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Jim Sydiongco and Civil Aeronautics Board (CAB) Chairman Carmelo Arcilla, na may 516 flights  ang naapektuhan sa pagsasara ng NAIA.

Pinaalalahanan ni Monreal, ang mga airlines companies na maging accurate sa pagbibigay ng information sa kanilang mga pasahero tungkol sa re-scheduling ng kanilang flights para hindi na sila magpunta pa sa pa­liparan habang sarado ang NAIA.

Samantala, sinabi ni Sydiongco, na dapat magsagawa ng aircraft’s engine check at magsumite ang mga ito ng proposed schedule kung ang mga eroplano nila ay ligtas sa ashfall bago nila sabihin sa mga pasahero nila ang departure scheduled para hindi magkaroon ng aberya ang mga ito.

Alas-10 ng umaga kahapon binuksan ang airport para sa mga departing passengers at ang arriving aircraft na binigyan ng hudyat na mag-landing dakong alas-12 ng tanghali.

Samantala, dumagsa naman ang mga pasahero kahapon sa NAIA Terminal 1 matapos ang partial ope­ration ng paliparan sa pag-asang makakabiyahe na sila.

Nanawagan si  Monreal, sa mga departing passengers na humingi muna sila ng rebooking sa kanilang mga airline companies bago sila magsipunta sa NAIA para hindi sila maabala at hindi dumami ang mga pasahero dito.

‘Kung hindi naman sila makakasakay sa tamang araw o oras ay huwag muna silang magpunta sa NAIA para na rin sa kanilang sari­ling seguridad at hindi makaabala sa iba mga pasaherong naka-schedule na umalis.’ ani Monreal.

Sinabi ni Monreal, inatasan niya ang MIAA firetrucks and sweepers na linisin ang runway sa mga abong halos bumalot ng runway ng NAIA at para na rin sa preparasyon ng mga eroplanong darating at aalis ng paliparan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with