Ang nasa 20. 8 kilos ng shabu na inilagay sa loob ng speaker buhat sa Estados Unidos na nasabat sa isang bodega malapit sa NAIA.
Kuha ni Rudy Santos
P141 milyong shabu sa loob ng speaker nasabat
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P141 milyon halaga ng shabu ang  nasabat sa dalawang kargamento na idineklarang speakers o sound system sa isang bodega ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang nasabing kontrabando na tumitimbang nang 20.8 kilos ay naharang ng mga awtoridad matapos na dumaan sa x-ray scanning machine sa loob ng FEDEX warehouse malapit sa NAIA terminal 2.

Batay sa ulat ng NAIA-Bureau of Customs, ang illegal drugs ay nakabalot sa dalawang parcels na idineklarang speakers na nanggaling pa mismo sa United States.

Nabatid sa report na ang nakumpiskang shabu ay isinailalim sa panga-ngalaga ng PDEA at patuloy na inaalam kung sinong grupo ng sindikato ang nasa likod ng ilegal na aktibidades.

Nangako naman ang Bureau of Customs (BOC) sa pakikipagtulungan ng PDEA at iba pang miyembro ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na patuloy nilang susugpuin ang lahat ng ilegal na droga na pumapasok sa bansa.

-BUREAU OF CUSTOMS PDEA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with