^

Metro

LRT-1 nagpatupad ng extended service hour

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 nagpatupad ng extended service hour
Ayon sa pamunuan ng LRT-1, simula kahapon ay ka­nilang pinalawig ang ope­rating hours na magtatagal hanggang sa Disyembre 31.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagsimula ng magpa-tupad ng extended service sa biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa pamunuan ng LRT-1, simula kahapon ay ka­nilang pinalawig ang ope­rating hours na magtatagal hanggang sa Disyembre 31.

Batay sa naturang extended train service hour, mananatiling alas-4:30 ng madaling araw ang unang biyahe ng mga tren ng LRT-1 mula Lunes hanggang Linggo ngunit pahahabain naman ang huling biyahe ng mga ito.

Nabatid na ang huling biyahe mula sa Baclaran Station ay magiging alas- 11:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado habang alas-9:30 naman ng gabi kapag Linggo.

Ang last trip naman   mula sa Roosevelt Station ay aalis ng alas-11:15 ng gabi, mula Lunes hanggang Sabado, at alas-9:45 naman ng gabi kapag Linggo.

Maliban na lamang anila ito sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kung kailan ang last trip sa Baclaran at Roosevelt Station ay hanggang alas-8:00 ng gabi lamang.

Sa mismong araw naman ng Pasko, Disyembre 25, at Rizal Day, Disyembre 30, ang huling biyahe mula Baclaran Station ay alas-9:30 ng gabi at alas-9:45 naman ng gabi aalis ang huling tren mula sa Roose­velt Station.

Samantala, sa bisperas ng Bagong Taon sa Disyem­bre 31, ang last trip mula sa Baclaran at Roose­velt Stations ay hanggang alas-7:00 ng gabi lamang.

Kaugnay nito, pinayuhan ng LRT-1 ang kanilang mga pasahero na alamin ang naturang pagbabago sa kanilang mga iskedyul upang maplano ang ka­nilang mga biyahe.

vuukle comment

LRT1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with