Sinabi ni Parañaque City Police chief, P/Col. Robin King Sarmiento na dakong alas-8 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay sa tinutuluyang unit ng mga dayuhang babae sa Bay Tower 1 Condominium sa Roxas Blvd., Brgy. Tambo, ng naturang lungsod.
Miguel de Guzman/File
14 babaeng dayuhan nasagip sa human trafficking
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labing-apat na babaeng dayuhan ang nailigtas ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station at PNP-Women’s and Children’s Protection Desk laban sa isang sindikato ng human trafficking nang salakayin ang isang condominium unit sa naturang lungsod kama­kalawa ng gabi.

Sinabi ni Parañaque City Police chief, P/Col. Robin King Sarmiento na dakong alas-8 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay sa tinutuluyang unit ng mga dayuhang babae sa Bay Tower 1 Condominium sa Roxas Blvd., Brgy. Tambo, ng naturang lungsod.

Nabatid na unang nagsup­long sa Chinese Embassy ang isa sa mga biktima na si Huang Xia, 31. Sinabi niya na ni-recruit siya ng mga kababayan upang magtrabaho sa isang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) ngunit sa halip ay ibinubugaw umano sila ng kanilang mana­ger sa kustomer na Chinese national.

Iniulat naman ito ng Chinese Embassy sa PNP-WCPD na nakipag-koordinasyon naman sa Parañaque City Police para magkasa ng operasyon.

Sinabi ni Sarmiento na nakatakda sana silang magkasa ng entrapment operation sa naturang lugar ngunit pagda­ting nila sa condominium ­building ay naroroon na ang mga tauhan ng PNP-WCPD kaya tuluyan nilang pinasok ang lugar na nagresulta sa pagkakasagip kay Huang at 13 niyang kasamahang babae na iba-iba ang nasyunalidad.

Isang lalaki na nagsisilbing driver ng sindikato ang nasakote ng mga pulis na magsisilbi namang saksi laban sa sindikato. 

HUMAN TRAFFICKING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with