^

Metro

2 empleyado sa Taguig City hall, huli sa ‘kotong’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 empleyado sa Taguig City hall, huli sa �kotong�

MANILA, Philippines — Huli sa ikinasang en­trap­­ment operation ng Presiden­tial Anti Corruption Commission (PACC) at ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawang empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig makaraang mangotong sa isang aplikante para sa building permit, kama-kalawa ng hapon sa isang mall sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga naa-resto na sina Edward Bun­cad, 50 at Emma Robianes, 46, kapwa nakatalaga sa Local Building Office ng Taguig City Hall. Nahaharap sila ngayon sa kasong robbery extortion.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang entrapment ope­ration dakong alas-4 ng hapon sa satellite office ng Taguig City Govement sa loob ng isang mall sa Bonifacio Global City.  Ito ay makaraang magreklamo sa PACC ang negosyanteng si Rodrigo Cueto na nagsabing hinihingan siya ng mga suspek ng perang padulas para mailabas ang building permit niya.

Dito nakipag-ugnayan ang PACC sa pangunguna ni Undersecretary Greco Belgica sa Taguig City Police at NCRPO Regional Special Operations Group na nagkasa ng entrapment operation. 

Huli sa akto sina Buncad at Robianes makaraang tanggapin kay Cueto ang P1,000 marked money na inihalo sa P9,000 halaga ng boodle money.

Pinuri naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang aksyon ng PACC at NCRPO sa pagkakahuli ng dalawa niyang tauhan.  Iginiit niya na walang puwang sa kanilang lokal na pamahalaan ang anumang uri ng korapsyon.

vuukle comment

GRECO BELGICA S

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with