Public markets sa Quezon City, pagagandahin ni Mayor Joy Belmonte

MANILA, Philippines — Gagawing kaayaaya at pagagandahin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga pampublikong palengke sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Belmonte na bukod sa gagawing multi purpose hall sa barangay Sto. Domingo at itatayong Damayang Lagi Barangay hall ay sisimulan ang re-development ng Galas Public market, Kamuning Public Market, Frisco Public Market at Project 4 Public Market.

“At the end of the day, our ultimate goal is improved services to our people through good governance and this begins with increased repre­sentation by the people themselves” pahayag ni Mayor Belmonte.

Partikular na aayusin sa naturang mga palengke ang  waste water facility upang hindi makaapekto sa kapaligiran ang waste water na nililikha ng naturang mga pamilihan sa araw-araw.

Samantala, bilang bahagi ng environmental trust ng lokal na pamahalaan, pinasalamatan ni Belmonte ang QC Council sa pag-isponsor sa ordinansang nagbabawal sa paggamit ng single-use plastic at utencils.

“We in city hall should lead by example and bring our own tumblers and jugs. This is something we hope to provide to all our public school children next year, along with water fountains in every school “pahayag ni Belmonte.

Nanawagan din si Belmonte sa konseho na magpasa ng ordinansa na lumilikha sa Climate Change and Environmental Sustainability Department na titiyak sa tagumpay ng climate change at ­sustainable development goals ng QC para sa kapakanan ng publiko.

Show comments