^

Metro

Grupong Panday Sining, ipinaaaresto ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-aresto sa grupong Panday Sining upang maparusahan sa kanilang ginawang banda­lismo sa dingding ng Lagusnilad underpass sa Maynila.

Ayon kay DILG Under­secretary at Spokesman Jona­than Malaya, nakakahiya ang ginawang pambababoy ng naturang grupo sa Lagusnilad, na sinisikap na linisin at ayusin ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Giit pa niya, dapat na istriktong ipatupad ng mga local government units (LGUs) ang mga panuntunan laban sa bandalismo, at gamitin ang mga CCTV cameras sa mga lugar upang mahuli at mapanagot ang mga sangkot dito, alinsunod sa kanilang kampanya na #DisiplinaMuna.

“Nakakahiya ang gina­wang pambababoy sa Lagusnilad pagkatapos itong linisin at ayusin ng Manila City government,” aniya pa. “LGUs should, therefore, see to it that they strictly enforce their laws on vandalism so that vandals will face the consequences of their actions.”

Inihalimbawa rin naman niya ang Marikina City na may kakaunti lamang na kaso ng bandalismo dahil sa epektibo nitong anti-vandalism drive sa kanilang lokalidad at pinagmumulta ang mga taong lumalabag dito. Batay aniya sa ulat ng Marikina City Police, tatlo lamang ang nahuli nilang lumabag sa bandalismo noong 2018.

Nanawagan din siya sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga lumalabag dito, dahil ang bandalismo aniya ay isang uri ng ‘malicious mischief’ sa ilalim ng Article 327 ng Revised Penal Code.

Una nang humingi ng paumanhin ang Panday Si­ning sa kanilang ginawang pagsusulat ng protest statement sa mga dingding ng underpass ngunit iginiit na lehitimo naman ang kanilang mga hinaing.

Matatandaang ikinainis din ni Manila Mayor Isko Moreno ang ginawa ng grupo at nagbanta na sa sanda­ling mahuli niya ang mga gumawa nito ay ipadidila niya sa kanila ang mga sulat hanggang sa mabura ang mga ito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with