Allowance ng Parañaque high school students tiniyak

MANILA, Philippines — Ang P500 buwanang allowance o tulong pinansiyal sa lahat ng junior at senior high school students sa Parañaque City ay patuloy at ito ay magiging pangma­tagalang proyekto, ito ang inihayag ng isang city hall opisyal kahapon.

Sakop sa ilalim ng programa ang mga mag-aaral mula Garde 7 hanggang Garde 12 sa mga pampublikong paaralan sa loob ng nasasakupang teritoryo ng Parañaque kung saan aaprubahan ng Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng pagpapa-tupad ng mga patakaran at regulasyon, ang mga ku­wa­­li­pikadong mag-aaral ay ma­­kakatanggap ng kanilang buwanang allowance sa pamamagitan ng personal  na ATM card mula sa Deve-lopment Bank of the Philippines (DBP).

Tiniyak ni City Treasurer Dr. Anthony Pulmano sa mga magulang ng mga kuwalipikado at karapat-dapat na mag-aaral na ang pamahalaang lungsod ay naglaan na ng P240 milyon hanggang Hunyo sa susunod na taon para sa 48,000 mga mag-aaral sa high school.

Pinangunahan ni Mayor Edwin Olivarez ang pag-aabot noong nakaraang linggo ng P500 cash allo-wance sa mga campus ng mga mag-aaral na hindi pa natatanggap ang kanilang mga ATM hanggang sa buwan na ito.

 

Show comments