15 modernong PUV ng Isuzu, itinurn-over sa Pasang Masda

Nabatid na ang mga nasabing modern jeeps na gawa ng Isuzu Philip­pines ay tatakbo sa rutang Nichols-Magallanes-Mall of Asia- PITX at pabalik.
Photos by Ulysses Ang

MANILA, Philippines — Ang pamunuan ng Isuzu Philippines katuwang ang Department of Transportation (DOTr) ang nag-turn-over  ng 15 bagong jeepney unit  sa grupo ng Pasang Masda na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Pinangunahan si DOTr Sec. Arthur Tugade at mga opisyal ng Isuzu Philippines ang ceremonial turn-over sa nasabing mga bagong sasakyan.

Magkatulong na ininspeksyon nina Tugade at Pasang Masda President Ka Obet Martin ang mga makabago, komportable at environment-friendly na jeepneys, na ilulunsad sa publiko.

Ilan  sa mga features ng mga ito ay ang glo­bal positioning system (GPS), closed-circuit tele­vision (CCTV), libreng internet connection, automated fare collection system, at side entrance.

Nabatid na ang mga nasabing modern jeeps na gawa ng Isuzu Philip­pines ay tatakbo sa rutang Nichols-Magallanes-Mall of Asia- PITX at pabalik.

Show comments