^

Metro

Ex-Mayor timbog sa mga armas, bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-Mayor timbog sa mga armas, bala
Prinisinta ng PNP-Anti Kidnapping Group ang naarestong si dating San Antonio, Zambales Mayor Romeo Lonzanida kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.
Kuha ni Boy Santos

MANILA,Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnap­ping Group (PNP-AKG) at ng lokal na pulisya ang isang dating alkalde na itinuturong protektor ng kid­napping for ransom gang matapos itong makumpiskahan ng mga armas at bala sa raid sa Brgy. Burgos, San Antonio, Zambales kamakalawa.

Kinilala ni PNP-AKG Director Police Colonel Jonnel Estomo ang na­sakoteng suspect na si ex-Mayor Romeo Lonzanida, 73, dating alkalde ng San Antonio, Zambales.

Kamakala­wa nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay na pinag-iimbakan ng mga armas ni Lonzanida sa Sitio Nanga-lisan, Brgy. Burgos, San Antonio ng lalawigang ito.

 Ang raid ay base sa search warrant na inis­yu ni Executive Judge  Omar Viola, 3rd Judicial Region laban sa dating alkalde. 

Nasamsam sa ope-rasyon ang isang M114 rifle na may magazine na may 19 mga bala at isang cal 5.56 AR 15 na may isang magazine at 19 mga bala.

Ayon sa opisyal, ang raid ay matapos namang makatanggap ng reklamo ang PNP-AKG na si Lonzanida ay nagsisilbing protektor ni Ricardo Peralta na sangkot sa gun for hire ng mga tiwaling pulitiko, kidnapping  at miyembro ng Private Armed Groups na nag-o-operate sa Central Luzon at Metro Manila. 

vuukle comment

EX MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with