^

Metro

Tondo fire: Magkapatid na paslit patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tondo fire: Magkapatid na paslit patay
Kinilala ang mga biktimang sina Aliyah Raine O. Morales, 9, at kanyang kapatid na si Anastacia Marie O. Morales,18-buwang gulang, kapwa residen­te ng Gagalangin, Tondo.
Ernie Peñaredondo

MANILA,Philippines — Kapwa nasawi ang magkapatid na paslit nang masunog ang kanilang tahanan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Aliyah Raine O. Morales, 9, at kanyang kapatid na si Anastacia Marie O. Morales,18-buwang gulang, kapwa residen­te ng Gagalangin, Tondo.

 Sa ulat ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:16 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag sa three storey na bahay ng isang Marina Sia na inookupahan  ng mga biktima sa B. Bulacan St., Gagala-ngin, Tondo.

Mabilis namang     na­­­apula ang apoy na uma­bot sa unang alarma at idineklarang fire out alas-9:37 dahil sa konkreto ang yari ng bahay.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni  Fire Insp.  John Joseph Jalique, hepe ng Intelligence Division ng Manila Fire District, pumasok sa trabaho ang mga magulang ng magkapatid at naiwan ang dalawa sa pangangalaga ng lola.

 Nabatid na nasa ikatlong palapag ang silid kung saan naroon ang magkapatid nang magkaroon ng sunog at hindi na sila naisalba ng lola na nasa unang palapag ng bahay.

Posibleng dahil sa kitid ng daanan sa ikatlong palapag kaya hindi na nagawang kunin ang mga bata dahil sa apoy at usok dahilan upang ma-suffocate ang mga ito sanhi ng kamatayan.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog  na na­ka­pinsala sa tinata-yang P30,000 halaga ng ari-arian.

vuukle comment

SUNOG

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with