Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, handa na ang lahat ng sangay ng LTO sa buong bansa kaugnay ng gagawing hakbang para matiyak na ligtas ang mga motorista at mananakay.
File
Land Transportation Office, handa na sa Undas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Kasado na ang preparas­yon ng Land Transportation Office (LTO) upang panatili-hing ligtas ang mga lansa-ngan sa paggunita ng Undas.

Ayon kay LTO Chief Edgar  Galvante, handa na ang lahat ng sangay ng LTO sa buong bansa kaugnay ng gagawing hakbang para matiyak na  ligtas ang mga motorista at mananakay.

Sa paglulunsad ng pro-gramang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas’, sinabi ni Gal­van­te na minabuting mas maaga ang paglulunsad ng programa upang matiyak na plantsado na ang lahat bago pa dumating ang araw ng All Souls day at All Saints day sa November 1 at 2.

“Marami sa ating mga kababayan ang pupunta ng kani-kanilang mga probinsya upang dalawin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay, o para magbakasyon ngayong Undas at nagkataon ding long weekend kaya marapat lamang na tiyakin na makakarating  sila sa kanilang destinasyon ng ligtas, komportable at wa­lang aberya sa lansangan,” pahayag ni Galvante.

Bahagi anya ng paghahanda sa okasyon ang pina­igting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, lalo na ang mga pampasaherong sasakyan  tulad ng provincial buses.

Ayon kay Galvante, patuloy ang pag-iinspeksyon ng LTO Law enforcement units sa mga garahe o terminal ng mga bus upang hindi na maabala ang mga mananakay at hindi magka-aberya ang mga papasadang sasakyan. Nili­naw nito na oras na bumagsak sa inspeksyon ang mga pampasaherong bus ay hindi papayagang pumasada at ang mga pasado lamang sa inspection ang papayagang magsakay ng mga pasahero.

Hinikayat ni Galvante ang mga motorista  na bago umalis ng tahanan ay suriing mabuti ang sasakyan kung ito ay road worthy at tignan kung maayos ang gulong, ilaw, break, busina at iba pang bahagi ng sasakyan para makatiyak na ligtas sa pagbiyahe.

LAND TRANSPORTATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with