P1.6-M STEM toys ibinigay ng British Embassy sa Maynila
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Maraming engineer, scien­tist at mathematician ang hu­­hubugin ng lungsod ng Maynila.

Ito ang paniniwala ni Manila Mayor Isko Moreno bunsod ng mga donasyon ng iba’t-ibang sektor, kompanya at bansa  sa mga estudyante ng Maynila.

Ayon kay Moreno aabot sa P1.6-milyon halaga ng STEM toys ang ibinigay ng Grolliers mula sa British Embassy sa pangunguna ni Colin Simonds para sa mga public schools na bilang paghahanda sa kanilang pipiliing strand sa senior high.

Sinabi ni Moreno, hindi malayong dumami ang mga engineers scientist at mathe­matecian sa paggamit ng STEM toys habang nasa ele­mentarya pa lamang dahil hinuhubog na nito ang kaalaman at pagiging malikhain ng isang estudyante.

Ang STEM toys ay laruan na tulad ng kinalakihang Lego ng mga bata.

Binigyan diin naman ni ­Brian Maralit, General Mana­ger ng Grolliers Philippines,  na layon ng kanilang kompanya na hubugin at hikayatin ang mga mag-aaral na ilabas ang kanilang pagiging creative habang bata pa.

BRITISH EMBASSY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with