Ayon sa NBP, ang natu­rang lugar ay inookupahan ng mga bilanggo buhat sa mga extremist groups na Abu Sayyaf, Maute Isis, Rajah Solaiman Group, Jemaah Islamiuah at Moro Islamic Liberation Front.
KJ Rosales
Bomba sumabog sa maximum compound ng Bilibid
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang malakas na pagsa­bog ang umalingawngaw sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City  habang patuloy ang ginagawang “clearing operations” ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga ilegal na istruktura ng mga bilanggo.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pagsabog dakong alas-10 ng umaga sa Quadrant 1 East sector ng Maximum Security Compound.  Isang improvised explosive device (IED) ang sumabog.
Agad na rumesponde ang mga K9 team ng Explosive and Ordinance Division na sinuyod ang lugar. Dito natuklasan ang dalawa pang granada sa loob ng isang kubol malapit sa lugar ng pagsabog.

Ayon sa NBP, ang natu­rang lugar ay inookupahan ng mga bilanggo buhat sa mga extremist groups na Abu Sayyaf, Maute Isis, Rajah Solaiman Group, Jemaah Islamiuah at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Masuwerteng walang nasaktan o nasawi sa insidente kahit na kasagsagan ng demolisyon sa mga kubol ang ginagawa sa lugar.

Ayon kay Major Alberto Tapiru, tagapagsalita ng NBP, na kinukunsidera nila na maaaring reaksyon ng mga maimpluwensyang bilanggo ang pagpapasabog sa ginagawang paghihigpit.  Maaaring hinahayaan lamang sila sa demolisyon ngunit nagtanim naman ng bomba laban sa mga awtoridad.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBP at pulisya sa insidente para makilala ang mga taong nasa likod ng insidente.

NEW BILIBID PRISONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with