Drug den sinalakay, 6 timbog
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang anim na drug suspects matapos na salakayin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Himas-rehas na ngayon sina Sander Maulapat, 21; Lester Pintac, 23; Terryboy Afable, 22; Felix Talisic, 21; Jesus Tupas, 42; at Ray­mond Sequito, 28, pawang residente ng Brgy. Bagong Pag-asa.

Armado ng search warrant ang mga otoridad nang salakayin at halughugin ang umano’y drug den at informal settlers compound sa Agham Rd, Brgy. Bagong Pag-asa dakong alas-6:20 ng gabi.

Nabatid na target ng search warrant si Maulapat na umano’y nagsisilbing main­­tainer ng drug den.

Kabilang sa narekober­ ng mga otoridad mula sa mga suspek ang may 15 gramo ng hinihinalang shabu­ na nagkakahalaga ng P102,000, at drug parapher­nalia.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with