^

Metro

Seafood resto sa Maynila grinanada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na lalaki ang sugatan habang wasak naman ang glass panel window, pintuan at kisame ng isang seafood restaurant matapos hagisan ng granada ng isang nakamotorsiklong lalaki sa San Miguel, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang sugatang si Macario Tinio, ng 514 4th St., C. Aguila, San Miguel.

Tumakas ang ‘di naki­lalang suspek sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 8, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa C-Foods Resto, sa 5th St., Concepcion  Aguila, San Miguel.

Nakuhanan man ng closed circuit television (CCTV) ang pangyayari ay hindi naman namukhaan ang suspek dahil sa suot na helmet.

Sinisilip sa imbestigasyon ang isyu ng business rivalry dahil maraming parukyano ang nasabing seafood resto kumpara sa ibang tulad na establisyimento sa lugar.

Isa pang inaalam kung may kinalaman sa mga nagtanim ng sama ng loob na mga manggagawa na sinibak kamakailan.

May ilang linggo pa lamang umano ang nakalipas nang hagisan naman ng martilyo ang window glass ng nasabing restaurant kaya nabasag ito.

May mga pagbabanta rin umano sa text messages na natatatanggap ang may-ari ng restaurant bago ang insidente.

vuukle comment

SEAFOOD RESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with