Rampa ng NAIA binaha

MANILA, Philippines — Binaha ang rampa ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 4 hanggang sa domestic hangar ng iba pang mga eroplano na naging dahilan para hindi makalipad at makaalis ang mga ito patungong sa mga probinsiya kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Internationa Airport general manager Ed Monreal, nagkaroon ng ‘flush flood’ na umabot hanggang tuhod ang tubig baha pero agad naman itong naapula nang humupa ang malakas na ulan dulot ng masamang panahon.

Sinabi ni Monreal na bumalik agad sa normal ang domestic flight operations nang unti-unting mawala ang tubig-baha sa rampa ng nasabing terminal.

Nagkaroon din ng mga diverted flights ang mga domestic aircraft sa Clark International Airport pero agad naman silang bumalik sa NAIA nang mawala na ang sama ng panahon at balik normal ang operasyon.

Humihingi ng paumanhin si Monreal sa mga pasaherong naapektuhan ng biglang pagbaha sa old domestic airport at agad naman niyang pinasusuri ang nasabing aberya sa kanyang mga tauhan. 

 

Show comments