3 barangay sa QC, tatlong araw walang tubig

Ayon ito sa Manila Water na nagsabing dulot ito ng gagawing power supply transfer activities ng kanilang Luzon Water Treatment Plant kaya’t hindi lamang mga households sa nabanggit na lugar ang maaapektuhan sa pagkawala ng tubig kundi maging ang mga commercial at business establishments sa tatlong barangay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tatlong araw na mahina ang pressure hanggang sa walang tubig sa may 20,000 household owners sa Barangays Holy Spirit, Pasong Tamo at Sauyo sa  Quezon City.

Ayon ito  sa Manila Water na nagsabing dulot ito ng gagawing power supply transfer activities ng kanilang Luzon Water Treatment Plant kaya’t hindi lamang mga households sa nabanggit na lugar ang maaapektuhan sa pagkawala ng tubig kundi maging ang mga  commercial at business establishments sa tatlong barangay.

Ang water interruption ay nagsimula sa naturang mga barangay ng alas-8 ng gabi ng August 13 at magtatagal  hanggang alas -6 ng umaga ng August 16.

Bunga nito, pinapayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente ng tatlong barangay na agad mag-ipon ng tubig upang may magamit sa oras ng water interruption.

Show comments