Sinagasa ng bulldozer ang isang Ferrari car na kabilang sa nakumpiskang mga iligal na kargamento na winasak kahapon sa Bureau of Customs sa Maynila. May kaugnay na ulat sa pahina 3.
KJ Rosales
Ferrari, pekeng yosi winasak ng BOC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winasak ng Bureau of Customs ang isang unit ng Ferrari car,12 unit ng cigarette making at mahigit isang libong master cases ng iba’t-ibang brand ng pekeng sigarilyo sa BOC Compound Port Area Manila.

Ayon kay Office of the Special Assistant to the President Undersecretary Jesus Melchor Quitain, dineklara ang Ferrari bilang auto spare parts na dumating sa Port of Manila noong May 13 na inabandona na wala ng mga pintuan ay nagkakahalaga ng P7 milyon.

Nagkakahalaga naman ng P150 milyon  ang cigarette making machine at pekeng sigarilyo  na nasabat noong Pebrero ng taong kasalukuyan ng mga tauhan ng BOC Enforcement and Security Services mula sa isang bodega sa  Brgy. Bagacay Tacloban City makaraang mabigong magdeklara ng tamang buwis.

Ang pagwasak ng mga pekeng siga­rilyo, cigarette making machine at magarang sasakyan ay magsisilbi umano’y babala sa mga sangkot sa mga pagpupuslit at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay Custom Commissioner Leonar­do Guerrero, hindi sila mangingiming wasakin at sirain ang mga kargamento kung pumasok ito sa pantalan ng iligal.

Samantala sinabi naman ni Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na handa silang sumunod sa lahat ng ipag-uutos ni President Ro­drigo Duterte.

Nais ng Pangulong Duterte na mag-report ang BOC sa Kongreso upang mamonitor ang kilos at trabaho ng bawat empleyado.

Maaalalang sinabon ni President Duterte ang mga kawani ng BOC na sangkot umano sa korapsyon.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with