^

Metro

Ilang kalsada sa QC isasara dahil sa SONA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalsada sa QC isasara dahil sa SONA
Ayon kay QCPD Director P/BGen. Joselito Esquivel Jr., inaasahan na nilang magkakaroon ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar, partikular na sa mga kalsadang papasok at palabas ng Batasang Pambansa Complex.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isasara ang ilang kalsada sa Quezon City  bunsod nang nakatakdang pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa Complex bukas, Hulyo 22, 2019.

Ayon kay QCPD Director P/BGen. Joselito Esquivel Jr., inaasahan na nilang magkakaroon ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar, partikular na sa mga kalsadang papasok at palabas ng Batasang Pambansa Complex.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Esquivel ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong ruta kung hindi talaga maiiwasang bumiyahe sa naturang lugar.

Batay sa traffic advisory na inilabas ng QCPD, nabatid na pagsapit ng alas- 12:01 ng hatinggabi ng Hulyo 21, 2019, hindi na maa­aring daanan at pagparadahan ang magkabilang linya ng kahabaan ng Commonwealth Avenue (north at southbound) mula Quezon Memorial Circle (QMC)/ Philcoa hanggang sa Fairview (Fairview Center Mall), kaya’t lahat ng mga sasakyang ilegal na naka-park doon ay ito-tow.

Pansamantala ring isasara ang bahagi ng Commonwealth Avenue (north bound) mula sa Home Depot hanggang sa Sandiganbayan U-turn slot habang mananatili namang bukas ang southbound lanes nito.

Ang eastbound naman ng IBP, simula sa Filinvest 1 hanggang Sinagtala ay isasara rin sa daloy ng trapiko upang bigyang-daan ang mga raliyista.

 Pagsapit naman ng alas-2:30 ng hapon, ang mga light vehicles mula sa QMC patungong Fairview ay pinapayuhang dumaan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, kaliwa sa Chestnut St., kanan sa Dahlia St., kaliwa sa Fairlane St., labas sa Commonwealth Ave. hanggang sa kanilang destinasyon, habang ang mga heavy vehicles naman ay dapat na dumaan sa Commonwealth Avenue.

 Pagsapit ng alas-4:00 ng hapon, ang buong kahabaan ng IBP Road ay maaaring isarado na sa daloy ng trapiko, at kapag isinagawa ito, ang lahat ng maliliit na sasakyan ay dapat na dumaan sa alternatibong ruta mula QMC hanggang Filinvest 1 & 2, Brgy. Bagong Silangan at ilang inner portions ng Brgy. Batasan Hills.

 Matapos naman ang SONA, pagsapit ng alas-6:00 ng gabi, tanging bubuksan ang westbound lane ng IBP Road patungong Sandiganbayan underpass/tunnel para sa mga umaalis na VIPs palabas mula sa Southgate House of Representative (HOR) patungong Commonwealth Ave., ngunit mananatiling sarado ang westbound lane mula Litex hanggang sa HOR Southgate, hanggang wala pang paabisong buksan na ito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with