^

Metro

Parak itinumba sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang beteranong pulis na kabilang sa anti-drug unit ng Malabon City Police makaraang tadtarin ng bala ng nag-iisang salarin sa isang ambush, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang nasawi na si P/SSgt. Orland ‘Lucky Boy’ De Leon, 10th Avenue, Caloocan City at nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng Malabon City Police.

Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang Araneta Avenue sa may Brgy. Potrero dakong alas-6:11 ng gabi nang maganap ang pananambang.

Biglang humarang sa direksyon ng pulis ang isang motorsiklo lulan ang salarin at walang sabi-sabing sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na hindi na nakabunot ng kanyang baril. Ayon sa mga saksi, tiniyak ng salarin na patay si De Leon nang lapitan at barilin pa ng malapitan habang nakahiga na sa kalsada ang pulis.

Narinig naman ng mga nagpapatrulyang sina P/MSgt. Randy Santiago ang putukan at rumesponde sa lugar kasama ang mga tauhan.  Nagkaroon ng maigsing habulan ngunit nagawang makatakas ng salarin.

Narekober sa lugar ng krimen ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 15 basyo ng bala at mga slug buhat sa inaalam pang kalibre ng baril na isinasailalim na sa ballistic examination.

Sinabi ni Malabon City Police chief, PCol. Jessie Tamayo na nagsasagawa ngayon ang mga tauhan niya ng masusing imbestigasyon upang makilala ang salarin habang isa sa tinututukang anggulo ang posibleng kaugnayan ng biktima sa kampanya kontra iligal na droga sa lungsod.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with