Makikita ang isa sa mga suspek na may hawak pang pera habang nasa lamesa ng mga teller sa loob ng Metrobank sa Binondo Branch.
5 suspek sa Metrobank holdap, tukoy na!
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

Parojinog Group ang nasa likod

MANILA, Philippines — Parojinog group ang siyang nasa likod sa panloloob sa Metrobank sa Binondo kung saan tinukoy na rin kahapon ng pulisya ang limang sangkot dito.

Sa ginanap na press conference kinilala ang mga suspek na sina Marlon’ Ailon’ Parojinog, na siya umanong tumatayong lider ng grupo; Noli Bonifacio Casuela,  Gilcar Dumagan Mofan,  Frederex Secreta­rio at isang Michael, na may alyas na Alyas Pilay at Batang Calunod.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakakuha na rin ng ilang larawan sa loob ng Metrobank ang mga tauhan ni Manila Police District Director Brig. Gen. Vicente Danao kung saan makikitang may hawak pang pera ang isa sa mga suspek.

Ang ipinagtataka lang umano ni Moreno ay ang patuloy na pagtanggi ng banko  na makipagtulu­ngan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng halagang  nakulimbat ng mga suspek gayung naka-insured naman ito sa PDIC.

Dahil dito sinabi ni Danao na mas tumitibay ang kanilang imbestigasyon na inside job ang insidente.

Binigyan diin ni Danao na ang mga suspek ay positibong kinilala ng mga witness sa loob at labas ng banko.

Paliwanag naman ni Danao, konektado si Marlon ‘ Ailon’ Parojinog sa mga Parojinog ng Ozamis City na sangkot din sa robbery at  Rey Parojinog na sangkot sa illegal na droga.

Umaasa si Moreno na mas magiging madali ang pagdakip sa mga suspek dahil malinaw na ang mga mukha nito bukod pa sa P1 milyong reward na  ibibigay ng city government sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspect.

METROBANK HOLDAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with