Basurero utas sa kapwa basurero
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang basurero nang pagsasaksakin ng kanyang kapwa basurero na napikon matapos na magtalo kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Danilo Belmonte,  ng Marala St., Tondo, dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis  naman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang  suspek na nakilalang si Fred Lojete na kapitbahay ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas -7 ng umaga, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa .

Napikon umano si Lojete kaya bumunot ng kitchen knife at pinagsasaksak ang biktima,at saka mabilis   na tumakas.

Isinugod ng ilang concerned citizen sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, habang inutos ang pag-aresto kay Lojete.

TONDO CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with