Website ng BOC na-hack

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero naniniwala silang kagagawan ito ng mga kriminal o sindikato upang hindi maisagawa ng BOC ang pagsasaayos ng sistema, transparency at pagtatanggal ng graft and corruption.

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Bureau of Customs (BOC) na na-hack ang kanilang official website na pinaniniwalaang kagagawan ng mga  “unscrupulous individuals” upang pigilan ang computerization program ng kawanihan.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero naniniwala silang kagagawan ito ng mga kriminal o sindikato upang hindi maisagawa ng BOC ang pagsasaayos ng sistema, transparency at pagtatanggal ng graft and corruption.

Nadiskubre ang pagkaka-hack sa website nang ireport ito ng Management Information System and Technology Group (MISTG). 

Kahapon ay nananati­ling hindi mabuksan ang  customs.gov.ph.

Gayunman, tiniyak ng BOC na ang kanilang E2M computer system ay intact at secure at hindi makakaapekto sa operas­yon ng BOC.

Matatandaan na inilunsad kamakailan ng BOC ang anim na information systems projects kung saan ang mga ito ay gumagana.

Show comments