Welder tinodas sa inuman
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalagutan habang ginagamot sa Novaliches District Hospital ang 53-anyos na welder na si Gilbert Cruda matapos ataduhin ng saksak ng kanyang kapitbahay habang tumutoma sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PCpl Christian Loyola, ng CIDU-QCPD, dakong alas-11:30 ng gabi masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang kaibigan na nakilalang si Oroy Garcia sa harap ng kaniyang tahanan.

Habang tumatagay ang biktima ay bigla na lamang sumulpot ang kapitbahay  na nakilalang si Jeric De Lima at sinaksak si Cruda sa dibdib at katawan.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman si Cruda sa nasabing pagamutan subalit binawian din ito ng buhay bandang ala-1: 20 ng madaling araw.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa krimen at madakip ang salarin.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with