Taxi driver tinodas sa loob ng pinapasadang sasakyan
Nakahandusay sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan ang taxi driver na si Edgardo Egan na hinihinalang biktima ng holdap.
Kuha ni Miguel De Guzman

Taxi driver tinodas sa loob ng pinapasadang sasakyan

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang taxi driver ang patay nang matagpuan sa loob mismo ng kanyang minamanehong taxi na hinihinalang biktima ng panghoholdap, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54, na nagtamo ng mga saksak sa leeg at pisngi.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang responsable sa pagpaslang sa biktima.

Sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si P/Col. Barnard Yang, base sa kuha ng CCTV ca­mera, naganap ang insidente alas- 9:00 kamakalawa ng gabi sa FB Harrison St., Brgy. 3, Zone 1 ng nabanggit na lungsod kung saan makikitang itinabi sa kalsada ang isang kulay puting taxi.

Hanggang sa natuklasan ng mga  nagrorondang tanod na nakahiga at duguan at wala nang buhay ang biktima sa loob ng taxi.

Nabatid, na nawawala ang dashcam at cellphone ng biktima, ngunit narekober naman ang kanyang kinita sa pamamasada, na nakakandado sa lalagyan nito.

Hinala naman ng pulisya, posibleng hinoldap ang biktima.

Gayunman ayon sa live-in partner ng biktima na may naikuwento umano sa kanya dati si Egan na may hindi  aniya pagkakaintindihan sa katrabaho nito.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente para matukoy ang tunay na motibo sa krimen maging ang mga sangkot dito.

EDGARDO EGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with