3 pang paaralan ipinasara dahil sa lindol
MANILA, Philippines — Tatlo pang eskuwela-han ang pansamantalang isinara makaraang ma-kitaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga bitak bunsod nang naganap na 6.1 earthquake noong Lunes.
Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Ador Canlas, agad silang nagsagawa ng assessment sa mga gusali at iba pang istruktura kabilang ang mga tulay matapos ang malakas na lindol.
Tumanggi naman si Canlas na banggitin ang mga paaralan at sa halip ay nagbigay ito ng katiyakan na agad na kukumpunihin ang mga maliliit na sira.
Umaabot aniya sa 208 na mga tulay, 332 school buildings at 61 pampubli-kong gusalli ang kanilang na inspeksiyon matapos ang malaka na pagyanig bagama’t may mga aftershocks pang nararamdaman.
“Ito po ay kailangan ng mas madetalyeng evaluation pero based sa rapid assessment natin, nakitaan na mayroong multiple cracks, kaya ang kagandahan nito, dahil walang klase, pinasara muna natin. Sa ngayon ginagawa ang detailed evaluation para malaman kung ano ang corrective measures na ang ma-institute dun sa tatlong eskwelahan na iyon,” ani Canlas.
Paliwanag ni Canlas, sa 208 na tulay na kanilang nainspeksiyon, tanging Tinajeros Bridge at Tanza Bridge sa Malabon ang nakitaan ng mga bitak.
Dahil dito, magsasagawa ang DPWH ng retrofitting at strengthening ng mga tulad nito bilang paghahanda sa “Big One” kung saan 20 tulay ang isasailalim ngayong 2019.
- Latest