Sabi ni Monreal, maliwanag ang kanilang ibinigay na press statement na nagsasabing walang pinsala sa NAIA runway, taxiway at mga pasilidad at hindi rin dapat ma­ngamba sa mga terminal buildings dahil nagsagawa na nang agarang pagsisiyasat ang iba’t-ibang MIAA team.
Geremy Pintolo
Airlines companies binalaan ng MIAA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang mga airline companies na huwag samantalahin ang nangyaring lindol kamakalawa para lamang  iantala  o kanselahin ang kanilang mga flights.

Sabi ni Monreal, maliwanag ang kanilang ibinigay na  press statement na nagsasabing walang pinsala sa NAIA runway, taxiway at mga pasilidad at hindi rin dapat ma­ngamba sa mga terminal buildings dahil nagsagawa na nang agarang pagsisiyasat ang iba’t-ibang MIAA team.

Pinaalalahanan ni Monreal, ang mga airlines na huwag abalahin ang mga pasahero na maaaring magresulta sa pagputol ng mga ito sa kanilang mga plano para sa paglalakbay.

Ayon kay Monreal, tinagubilinan niya ang mga tauhan niyang nasa operation teams na tanggapin ang mga flights na galing Clark International Airport at sumunod sa  slotting procedures ng CAB at CAAP para sa isang maayos na landing, paradahan at pag-take-off. Ito rin ang magbibigay-daan sa MIAA upang magtalaga ng terminal facilities sa paliparan nito tulad ng aerobridges, baggage carousels at check-in counter. 

Sinabihan ni Monreal, ang mga airlines na tiyakin ang availability ng shuttle bus para ihatid mula Manila papuntang Clark.

Tiniyak ni Monreal, sa mga pasaherong nasa NAIA na  business as usual dito kaya walang dahilan para maalarma tungkol sa nangyaring lindol noong Lunes ng hapon. (Lordeth Bonilla)

ED MONREAL MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with