Rider sinalpok ng bus, todas

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider matapos itong salpukin ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Sanhi ng matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si Eironn Rascle Bercida, 20, binata, isang collector, ng #2-A Marcelo St., Brgy. Dalandanan ng nabanggit na lungsod.

Nasa custody naman ng Valenzuela City Traffic Bureau ang suspect na si Brian Roberto, 37, binata, ng #79 Gulod St., Tugatog, Meycauayan, Bulacan at driver ng Golden Dragon Bus na may temporary plate number U1L-245.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang alas-11:48 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Star Bus Terminal sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Show comments