Magka-angkas sa motor dedo sa Edsa

MANILA, Philippines — Patay ang isang magka-angkas sa motorsiklo na pinaniniwalaang naaksidente sa kahabaan ng Edsa, malapit sa People Power Monument sa Quezon City, kaha­pon ng madaling araw.

Duguang nakahandusay sa Edsa ang dalawang biktima na ang isa ay nakilala lamang sa nakuhang ID sa kanya na si Dikar Labrador, security guard, habang ang angkas nitong babae ay hindi pa nakikilala dahil walang nakuhang identification sa kanyang katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang makitang nakahandusay   ang dalawang biktima sa innermost lane ng Edsa.

Tumawag ng ambulansya mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang unang nakakita sa dalawa kaya mabilis na isinugod sa Quirino Memorial Medical Center pero hindi na umabot nang buhay.

Nakuha sa lugar ng aksidente ang identification card, cellphone at pera na nagkakahalaga ng higit P4,000 mula sa bag na katabi ng lalaki at mga gamit na nakuha mula sa compartment ng motorsiklo.

Show comments