Obrero ginawang sex slave ang stepdaughter, arestado
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

Sa loob ng 2 taon

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng 38-anyos na construction worker na naaktuhan sa ginagawang pangmomolestiya sa dalagitang anak ng kanyang kinakasama, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Sa pagdulog ng ina ng biktimang itinago sa pangalang “Lily”, 15-anyos, estudyante, sa Barangay 649, Zone 68, Baseco, ay inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Barangay Council for  Protection for Children na pinangunahan ni Gilbert Cruz  at itinurn-over sa Baseco Police Community Precinct bago dinala sa Manila Police District-Women and Children Protection Unit.

Sa imbestigasyon ni PO1 Shane Garduque, ala-1:30 nang hapon kama­kalawa nang ikuwento ng 5-taong gulang na anak ng suspek sa kanyang ina hinggil sa nakitang panglalamas umano sa dibdib ng biktima habang natutulog ang kanilang ina.

Nang tanungin ang biktima ay umamin ito sa ina na simula pa noong 13-anyos siya ay minomolestiya na siya ng amain sa pamamagitan ng paglamas umano sa dibdib at pandadaliri sa ari.

 Nabatid na vendor sa magdamag ang ina kaya hindi natitiyempuhan ang ginagawa ng kinakasama sa kanyang anak.

SEX SLAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with