Panibagong taas presyo sa petrolyo, nakaamba

MANILA, Philippines — Panibago na namang oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga kompanya ng langis,  tataas ng P0.70 hanggang P0.75 ang kada litro ng gasolina.

Habang nasa P0.10 hanggang P0.20 sa kada litro naman  ang itataas ng presyo ng diesel at kerosene.

Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Kung matutuloy, ito na ang panglabing-isang beses na pagtatas sa  presyo ng gasolina at pang siyam na beses  naman sa diesel at kerosene ngayong taon 2019.

Ngunit  ang nagbabadyang taas presyo ay pwede pang mabago depende sa trading ngayong araw, nagkasabay-sabay aniya ang mga pangyayari sa ibat-ibang panig ng mundo, na nakakaapekto sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director Department of Energy (DOE), Oil Industry Management Bureau, nabatid na bumaba aniya ang  domestic crude inventories ng United States stockpile. 

Show comments