^

Metro

2 Lasalista dawit sa droga, kinasuhan na!

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 Lasalista dawit sa droga, kinasuhan na!
Alas- 2:00 ng hapon nang isalang sa Makati City Prosecutor’s Office ang Fil-Japanese na si Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24, at si Ralph Jeffrey Esteban, 23 na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drug Act of 2002.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pormal nang isinailalim sa inquest procee­dings kahapon ang da­lawang estudyante ng  De La Salle University, Saint Benilde matapos maaresto at makum­piskahan ng nasa P1.5 milyong halaga ng party drug sa isang condominium na kanilang tinitirhan sa Makati City Lunes ng umaga.

Alas- 2:00 ng hapon nang isalang sa Makati City Prosecutor’s Office ang Fil-Japanese na si Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24, at   si Ralph Jeffrey Esteban, 23 na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drug Act of 2002.   

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, bago isinalang  sa inquest proceeding ang dalawa ay isinailalim muna sa medical examination kung saan nadiskubreng si Suzuki ay may mga pasa sa katawan. 

Ayon kay Simon, nang kanilang maaresto si Suzuki, inamin nito na katatapos nya lamang sumailalim sa  initiation sa isang fraternity na sinalihan.

Ang dalawa ay kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police detention facility.

Isang  grab delivery driver (angkas padala) ang nagduda at nagsumbong sa pulisya sa pakete na oipinadedeliber ni Suzuki na naglalaman ng droga.

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY SAINT BENILDE

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with