Consumer complaints idiretso sa DTI

Sinabi ni Undersecretary Ruth Castelo na napupuno na ang Hotline 8888 at hindi na nakakayanan ng mga operators nito na aksyunan ang lahat ng rekla
Edd Gumban

‘Wag sa Emergency Hotline 8888

MANILA, Philippines —  Dahil sa natatad­tad na ang Emergency Hotline 8888 ng mga reklamo ng mga konsyumer na hindi naman emergency, nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) na sa kanilang DTI Hotline number na lamang magpadala ng reklamo upang tiyak na maaaksyunan agad ng kagawaran.

Sinabi ni Undersecretary Ruth Castelo na napupuno na ang Hotline 8888 at hindi na nakakayanan ng mga operators nito na aksyunan ang lahat ng reklamo.

Kung maaari, sa DTI Hotline na 1-DTI o 1384 na lamang magpadala ng kanilang reklamo ukol sa consumer concerns na mas mabilis pang maaaksyunan nila dahil sa direkta sa kanilang makakarating ang hinaing.

Ayon sa mga ulat, marami sa mga tawag sa 8888 ay tungkol sa mga reklamo sa presyo ng bilihin, kalidad ng produkto at paglabag ng ilang mga kumpanya sa Consumer Law.

Tiniyak naman ng kalihim na may sapat na tao at pasilidad ang DTI para masolusyonan ang mga sumbong na maipararating sa kanilang hotline.

Show comments